𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Cauayan City – Pinasinayaan ang bagong Child Minding Center sa Cauayan City Hall.

Ang bagong pasilidad ay proyekto ng LGU Gender And Development Focal Point System (GAD-FPS) na naglalayong magbigay ng ligtas na espasyo para sa mga bata.

Dito ay maaaring iwan ng mga magulang ang kanilang mga anak habang abala sa trabaho, na tiyak na makatutulong sa mga working parents mula sa lungsod.


Ipinahayag naman ng mga opisyal ng LGU Cauayan ang kanilang suporta sa proyekto nang sila ay dumalo sa pagbubukas ng pasilidad, kasama ang iba pang kawani ng LGU Cauayan.

Samantala, patuloy namang magsisikap ang Local Government Unit ng Cauayan upang mapanatili ang mga ganitong uri ng programa para sa komunidad.

Facebook Comments