𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘 𝗩𝗘𝗛𝗜𝗖𝗟𝗘, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗘𝗭𝗢𝗡

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon ng brand new 4×2 pick up truck na gagamitin bilang Quezon Rescue 819.

Ang pondo nito ay nagmula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) kung saan magagamit ang naturang sasakyan na pagbyahe ng mga rescue equipments katulad ng medical supplies at stretchers.

Bukod sa nabanggit, sa pamamagitan ng bagong rescue vehicle ay mapapaunlad at mapapabilis ang local operations ng Quezon lalo na sa pag-responde sa mga nangangailangan ng tulong sa mga residente.


Samantala, nagpapasalamat naman ang Lokal na Pamahalaan sa buong suporta na ipinamalas ng mga opisyal ng Quezon maging si Mayor Jimmy Gamazon upang maisakatuparan ang adhikaing ito.

Facebook Comments