𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚, 𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗖𝗔𝗬𝗔𝗕𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Pormal nang napasakamay sa Villa Cayaban sa bayan ng San Manuel, Isabela ang bagong school building na inihandog ng Rotary Club of Cauayan.

Ang pagbubukas ng naturang gusali ay simbolo ng pagbibigay nang magandang kinabukasan at oportunidad sa mga batang mag-aaral ng Villa Cayaban.

Nagpapakita rin ito ng kahalagahan sa edukasyon na makakatulong upang mapaganda at maging maayos ang pag-aaral ng mga estudyante.


Lubos naman ang pasasalamat ni Municipal Mayor Hon. Faustino Dy, IV sa kontribusyong handog ng Rotary Club para mapaunlad pa ang kanilang komunidad.

Facebook Comments