𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗠𝗕𝗔𝗚𝗨𝗜𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Natapos na ng Department of Public Works and Highways ang konstruksyon ng bagong school building para sa mag-aaral ng “Kalanguya” tribe sa Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Engineer Marifel Andes, DPWH Nueva Vizcaya 1st District Engineering Office chief, ang naturang school building ay mayroong walong (8) silid-aralan at nagkakahalaga ng P21.8 milyong piso.

Bawat silid-aralan ay mayroong pisara at ceiling fans para mas presko at maayos ang kapaligiran ng mga mag-aaral.


Bukod dito, nag-install rin ng dalawang water tank sa paaralan upang mabigyan ng sapat na suplay ng tubig ang mga mag-aaral.

Samantala, pinondohan ang naturang school building sa ilalim ng 2023 Basic Educational Facilities Fund (BEFF) ng Department of Education (DepED).

Facebook Comments