Monday, February 23, 2026

‎𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗢𝗟, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗖𝗔𝗡𝗜𝗔𝗢 𝗖𝗥𝗘𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗥𝗔𝗠𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔


‎Cauayan City – Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang natagpuan sa gilid ng Macaniao Creek sa Barangay Ambatali, Ramon, Isabela ngayong araw ika-23 ng Pebrero.

‎Ayon sa inisyal na ulat ng PNP Ramon, isang concerned citizen ang nakakita ng kahina-hinalang palanggana na nakapatong sa sementadong bahagi sa tabi ng sapa.

‎Nang kanyang suriin, natagpuan ang isang buhay na sanggol na nakabalot sa itim na pillow case.

‎Kinumpirma rin ng pulisya na nakakabit pa pusod ng sanggol nang ito ay matagpuan.

‎Agad na ini-report ang insidente sa pamunuan ng barangay at kaagad namang rumesponde ang mga pulis upang tiyakin ang kaligtasan ng sanggol.

‎Dinala ito sa Ramon RHU Birthing Center para mabigyan ng agarang medikal na atensyon.

‎Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga taong sangkot sa pag-abandona sa sanggol.

‎Nananawagan din ang pulisya sa publiko na makipag-ugnayan kung may anumang impormasyong makatutulong sa kaso.

‎Source: RAMON PS

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments