𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Pinasinayaan na ang Super Health Center sa Dagupan City na matatagpuan sa Barangay Bolosan.

Hatid ng makabagong health facility ang iba’t-ibang libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng Ultrasound, ECG, X Ray, Laboratory Services at iba pa.

Mayroon ding Birthing Area o paanakan, Minor Operation Room, Ward, TB DOTs at Dental Services.

Mapapakinabangan ang pasilidad ng mga Dagupeños lalo na ang mga residente sa mga barangay ng Bolosan, Salisay, Tebeng at Mangin, Tambac at Mamalingling.

Inaasahan sa pagbubukas ng Super Health Center ay mapapalawig ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments