𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗨𝗜𝗡𝗜

CAUAYAN CITY- Pinasinayaan ang bagong tayong water system sa Barangay Camasi, Sitio Divisoria, Tumauini, Isabela.

Ang inagurasyon ay pinangunahan ni Consultant on Infrastructure and other Development Programs ng Local Government Unit of Tumauini st Former Mayor Arnold Bautista, at dinaluhan ni Vice Mayor Christopher Uy, mga Sangguniang Bayan, at Barangay Officials.

Ang nasabing water system ay naglalayong tulungan ang mga residente na magkaroon ng malinis na pagkukunan ng tubig kung saan isa ito sa mga proyekto ng nasabing bayan tungo sa maunlad na bayan ng Tumauini.


Facebook Comments