Nakapagtala ang Department of Health – Ilocos Center for Health Development ng nasa pitumpo’t walo o 78 na mga bagong kaso ng COVID-19 mula January 1 hanggang 6 ngayong 2024 sa buong Region 1.
Sa mga bagong kaso, walang naitalang malubha o kritikal na may karamdaman at nananatili sa mga pagamutan ang mga ito upang makatanggap ng kinakailangang medikal na atensyon.
Sa latest update ng ahensya, nasa 1.5M na ang nakatanggap ng kanilang booster shots, habang nasa 90% o katumbas nitong 453, 601 na mga kabilang sa A2 population, mga senior citizens ang natanggap na rin ang kanilang primary series.
Patuloy na hinihimok ang publiko na huwag ipagsawalang bahala ang COVID-19 at ugaliin ang pagtalima sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask.
Samantala, hinikayat din ang lahat na magpabakuna upang malabanan ang dulot na banta ng naturang sakit sa kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨