𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗣𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Nakaranas ng pagbaha ang walong barangay sa bayan ng Calasiao dahil sa Bagyong Pepito.

Ayon Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Officer, Kristine Soriano, kabilang dito ang mga barangay ng Buenlag, Dinalaoan, Lumbang, Banaoang, Longos, Bued, Malabago at Gabon.

Ang pagbaha sa mga nabanggit na barangay ay hindi konektado sa pag-apaw ng Marusay River sa bayan.

Samantala, anim na pamilya ang inilikas ng awtoridad mula sa Poblacion East at San Miguel o katumbas ng 16 na indibidwal.

Sa inisyal na impormasyon ng tanggapan, dalawang bahay ang nasira, isa rito ay totally damaged sa Brgy. Talibaew at isa ang partially damaged sa Brgy. Lumbang.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments