May bahagyang paggalaw sa presyo ng ilang agri-fishery commodities sa lalawigan ng Pangasinan sa unang linggo ng January 2024.
Ayon sa inilabas na updated data ng Department of Agriculture Ilocos Region, mula January 1 hanggang 5, 2024, nakita ang paggalaw sa presyo ng ilang gulay tulad ng sitaw, kalabasa, repolyo, at pechay.
Kumpara noong December 25-29, 2023, tumaas ng ₱20 ang kada kilo ng sitaw kung saan nasa 100 pesos per kilo habang tumaa ng limang piso ang kalabasa na nasa ₱45 per kilo.
Sa highland vegetables naman, tumaas ng ₱10 ang repolyo at pechay na parehong nasa ₱50 per kilo habang nanatili namana ng presyo ng baguio beans na nasa ₱100 per kilo.
May ilang bumaba rin ang presyo tulad ng carrots na mula sa ₱100 per kilo ay bumaba sa ₱75 per kilo habang nananatili pa rin ang presyo ng amapalaya, talong, kamatis, okra, at puting patatas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨