𝗕𝗔𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗣𝗨𝗧𝗜𝗞 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗖𝗢𝗞, 𝗟𝗨𝗖𝗔𝗢 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗜𝗟𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗗𝗕𝗔𝗚𝗦

Nilagyan ng sandbags ang bahain at maputik na daan sa bahagi ng Tocok, Lucao sa Dagupan City para sa kaligtasan ng mga bata at residente.

Nagtulong-tulong ang mga residente upang maisaayos ang paglalagay ng sandbags upang maayos na makadaan ang mga estudyante na papasok sa paaralan ngayong araw.

Ang ginamit na buhangin ay mula sa kaliwat kanang dredging operation sa lungsod.

Matatandaan na nagpapatuloy ang isinasagawang dredging operation sa mga kailugan upang maayos na makadaloy ang tubig sa mga rivers system sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments