
Cauayan City โ Inilunsad ng BFP Region 2 ang โBahay ni Kuya Berongโ sa SM City Cauayan, bilang bahagi ng selebrasyon ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Provincial Fire Marshal Fire Senior Superintendent Atty. Archie Andumang, sinabi nito na ito ang unang pagkakataon na inilunsad ng BFP ang โBahay ni Kuya Berongโ bilang bahagi ng pagdiriwang sa Fire Prevention Month sa buong Pilipinas.
Aniya, layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga bata mula sa ibaโt-ibang paaralan sa lungsod ng Cauayan patungkol sa mga bagay at kagamitan na maaaring pagmulan ng sunog sa pamamagitan ng isang tour sa loob ng โBahay ni Kuya Berongโ kung saan makikita ang ibaโt-ibang mga appliances at kagamitan.
Pagkatapos ng tour sa loob ng bahay, ipinaliwanag ng mga bumbero ang mga maaaring mangyari sa mga naiwang appliances na nakasaksak, maging ang mga lutuan at kandilang naiwan na nakasindi.
Dagdag pa nito, mahalaga na habang nasa murang edad pa lamang ay maitatak na sa kanilang isip ang mga fire safety tips upang makaiwas sa sunog.
Samantala, nagpasalamat naman si Atty. Andumang sa suportang ipinakita ng SM City Cauayan sa pagsasagawa ng aktibidad na ito.