Nagmistulang pasyalan ang isang bahay sa Brgy. Dinaloan, Calasiao, Pangasinan dahil pinuno ito ng magarbong pailaw at palamuting dekorasyon para sa nalalapit na kapaskuhan.
Pagmamay-ari ng pamilya Soria ang naturang bahay na nagging instant attraction sa mga residente at ilan pang dayo sa lugar.
Taon-taon na umanong binubuksan ang kanilang bahay para sa mga bibisita dito at gustong mag-enjoy at maipadama sa ilan ang diwa ng Pasko.
Bukas ito mula ala sais hanggang alas onse ng gabi.
Paalala nila na huwag sirain ang christmas display at panatilihin ang kalinisan sa lugar.
Tuloy na tuloy na nga ang pasko, sapagkat ramdam na ang pagkakaisa at pagbibigayan tulad na lamang ng pagbubukas ng bakuran ng pamilya Soria para sa lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments