𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗢𝗔𝗖, 𝗡𝗜𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡; 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Nagtungo sa Laoac Municipal Police Station ang isang 78 anyos na lola matapos looban at pagnakawan ang kaniyang tahanan.

Ayon sa pulisya, pwersahang sinira ang drawer kung saan nakalagay ang mga tinangay na alahas na nagkakahalaga ng 500,000 at 600,000 na cash.

Kuwento ng biktima, nagbakasyon ito sa San Carlos City kung kaya’t laking gulat na wala na ang kaniyang pinaghirapan sa pagtatrabaho bilang government employee.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments