
Cauayan City – Nadaganan ng motorsiklo at wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang magsasaka sa Brgy. Quimalabasa Sur, San Agustin, Isabela nito lamang ika-17 ng Pebrero.
Ang biktima ay kinilala sa pangalang “Mar”, 37-anyos, magsasaka, at residente ng Brgy. Virgoneza sa nabanggit na bayan.
Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa San Agustin Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa umano’y natagpuang bangkay ng isang lalaki.
Kaagad namang rumesponde ang kapulisan sa lugar at positibo nga nilang nadatnan ang wala ng buhay na katawan ng biktima.
Base sa kanilang pagsusuri, pinaniniwalaang naaksidente ang biktima dahil sa posisyon nito kung saan nadaganan siya ng kanyang motorsiklo at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang paalala ng pamunuan ng San Agustin Police Station sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho sa kalsada upang maiwasan na masangkot sa aksidente.
Bahagi rin ng kanilang road safety awareness campaign at interventions ang paglalagay ng road signages sa mga kalsada partikular na sa mga accident prone areas.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










