𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚

Isang hindi kilalang lalaki ang natagpuang patay habang nakalutang sa ilog sa sa Brgy. Tampog, Bayambang, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, nakita umano ang bangkay ng lalaki ng isang magsasaka nang patawid ito lulan ng kaniyang bangka sa Agno River.

Maari umanong inanod ng malakas na agos ng ilog ang bangkay mula Tarlac River hanggang Agno River kaya napadpad sa lugar.

Tinatayang nasa edad 40 hanggang 50 anyos ang bangkay. Nagpapatuloy ang pagkakilanlan ng bangkay at kung paano ito napadpad hanggang sa binawian ng buhay sa ilog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments