Patuloy na nagbibigay paalala ang mga awtoridad ukol sa banta ng dengue sa katawan ng tao ngayong maulan na panahon.
Dapat na mabigyan pa umano ng malawak na kaalaman ukol sa sakit na Dengue ang mga tao upang maiwasan ito.
Ang mga residente naman sa lalawigan tulad sa mga barangay islands, sinisigurong inaalis na ng mabuti ang mga naipong tubig sa mga eskinita at daanan matapos ang malakas na ulan.
Hindi rin muna nila basta – basta umanong pinapayagan ang mga batang magtampisaw sa ulan upang makaiwas na rin sa iba pang sakit.
Paalala ng tanggapan ng Pangasinan PDRRMO na laging mag-ingat sa kagat ng lamok at kung ano ang pagkakaiba ng lamok na may dalang dengue sa normal na lamok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments