𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Inumpisahan nang muli sa mga barangay sa lungsod ng Dagupan ang pagsasagawa ng misting operations.
Ito ay bilang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa bantang maaaring maidulot ng dengue sa mga residente ng nasabing lungsod.
Una nang nilinis ang mga kanal at mga water areas upang matiyak na hindi ito pamugaran ng mga lamok.

Inatasan naman ng alkalde ng lungsod ang pakikipag-ugnayan ng City Health Office sa mga eskwelahan upang masiguro rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa banta ng dengue.
Samantala, sa lalawigan ng Pangasinan, nakapagtala ang Provincial Health Office ng nasa higit limang daan na kaso na ng dengue mula January hanggang nito lamang June 3 ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments