𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗖𝗔𝗠𝗦, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚-𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗡𝗧𝗖 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Ipinaliwanag ni Atty. Ana Minelle Maningding ang Legal Officer ng NTC-Region 1 na madalas gawin ng mga scammer ang pagkuha sa tiwala ng isang indibidwal sa pamamagitan ng online communication, maging ang iba pang laganap na uri ng scam.

Maliban sa love scam o pagmamanipula ng scammer sa biktima ng totoong relasyon hanggang sa makahuthot ng pera, ilan pa sa laganap na modus ng mga kawatan ang raffle scam o pagpapaniwala na nanalo sa raffle na hindi naman sinalihan, bonus scam o pinangako ang sapilitang payout at delivery scam o sapilitang pagtanggap at pagbabayad sa isang package na hindi naman inorder.

Pangunahing pahiwatig o senyales upang malaman na scam ang isang online transaction ay sa pamamagitan ng verification.

Ayon kay Atty. Maningding, tignan maigi kung mula ba sa mismong trusted sources ang impormasyon tulad ng opisyal na website o numero ng banko.

Paglilinaw niya ang pagrehistro ng Sim card sa ilalim ng SIM Registration Act ay hindi nangangahulugang ligtas sa mga scam bagkus nakatutulong umano ito upang matukoy ng awtoridad ang mga scammer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments