𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Isinagawa sa bayan ng Lingayen ang simultaneous Barangay Clean-up Drive sa 33 barangay sa bayan, bilang pakikiisa sa Dengue Awareness Month ngayong buwan.

Pinangunahan ng Municipal Health Office ang naturang aktibidad na may layuning malinisan ang kapaligiran at mga lugar na posibleng pamugaran ng lamok.

Pagbabahagi pa ng tanggapan, sa pinakahuling datos ay nakapagtala ang bayan ng 137 kaso ng dengue mula Enero hanggang sa kasalukuyan, mas mataas kung ihahambing sa 246 kabuuang bilang ng kaso nito noong 2023. Sa bilang na nabanggit ay hindi pa naisama ang mga kasalukuyang nasa pagamutan.

Ayon sa kanilang obserbasyon, madalas ay kabataan ang tinatamaan ng dengue sa bayan.

Babala ng tanggapan ang posible pang pagtaas ng kaso ng dengue ngayong panahon ng tag-ulan kaya hinihikayat ang publiko sa patuloy na paglilinis ng kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments