Aabot sa 234 na barangay sa Ilocos Region ang maaring makaranas ng MABIBIGAT na pag-uulan, landslide at pagbaha hanggang lunes dahil sa Bagyong Marce.
Ayon sa Mines and Geoscience Bureau, 221 na barangay mula dito ay matatagpuan sa Ilocos Norte at habang 13 naman sa probinsya ng Ilocos Sur.
Maaring makaranas ng NASA 100-200 milimetrong ulan ang ibabagsak ng Bagyong Marce sa mga natukoy na barangay.
Aabot na rin sa tatlong metrong taas ng alon at storm surge ang maaring maranasan sa Ilocos Norte at La Union.
Dahil dito, inabisuhan ang mga residente na nakatira sa mga mababang lugar at tabing dagat na lumikas upang maiwasan ang mas malalang epekto ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments