
Cauayan City – Dead on the spot ang sampung-taong gulang na bata habang sugatan naman ang driver ng isang tricycle matapos masangkot sa banggaan ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng National Highway, Brgy. San Felipe, City of Ilagan, Isabela, kahapon, Pebrero 4, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Ilagan City Police, kapwa binabaybay ng tricycle at truck ang parehong direksyon patungong sentro ng lungsod ng Ilagan, kung saan nauuna ang tricycle at kasalubong naman nila ang isang SUV.
Pagsapit sa tapat ng San Felipe Elementary School, pansamantalang huminto ang tricycle upang kumaliwa. Dahil dito, aksidenteng nabangga ng kasunod na truck ang likurang bahagi ng tricycle at, sa pag-usad nito, ay sumalpok naman sa kasalubong na SUV.
Dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver ng tricycle habang malubha namang nasugatan ang kanyang pasahero na agad ikinasawi nito.
Lahat ng sangkot na sasakyan ay nagtamo rin ng pinsala na hindi pa matukoy ang halaga.
Kung mapapatunayan na nagkasala ang driver ng truck, sasampahan siya ng kasong Reckless Imprudents Resulting in Homicide Multiple Injuries, at Damage to Properties.
Kaugnay nito, dahil sa nangyaring insidente magdadagdag ang Ilagan City Police Station ng Police Visibility sa mga paaralan upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Samantala, nagpapatuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nangyaring insidente.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










