Dapat pa umanong pagtibayin ang batas na pumuprotekta sa karapatan ng mga kababaihan dahil sa mataas pa ring kaso ng domestic at cyber violence ayon sa Gabriela Women Partylist.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Gabriela Womenβs Partylist Representative Arlene Brosas, mataas pa rin hanggang ngayon ang bilang ng kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan lalo noong kasagsagan ng pandemya.
Naisabatas man umano ang Republic act 9262 o The Anti-Violence against Women and children ay hindi pa rin ito sapat para maprotektahan ang mga kababaihan.
Sa paglilibot ng naturang partylist sa ilang lugar para sa isang sampling, lumalabas na marami pa ring umanong hindi nagpapatupad at hindi alam ang oryentasyon ukol sa batas na pumoprotekta sa karapatan ng mga kababaihan.
Ayon din sa kanilang datos, tumaas rin sa 200% ang Cyberviolence na siyang kailangan habulin at gawan ng paraan para tuluyan na mapigilan ang pang-aabuso kahit pa sa online.
Sa ngayon, hanggang hindi umano mapagtitibay pa ang pag implementa sa naturang batas kahit sa maliliit na komunidad lamang ay hindi umano mababawasan ang bilang ng mga biktima ng domestic at cyber violence sa bansa. |πππ’π£ππ¬π¨