Epektibo ngayong araw ng Martes, January 2, 2024 ang roll back sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Matatandaan na BIGTIME oil price hike ang sumalubong sa mga motorista sa huling linggo ng taong 2023 kung saan halos umabot ang taas presyo sa dos pesos.
Arangkada simula ngayong araw ang pagbaba sa presyo ng mga langis sa kada litro ng mga ito: sa Gasoline, bababa ng 10 cents, Diesel na 35 cents at malakihang tapyas naman sa Kerosene na ₱1.40.
Inaasahan ng mga motorista at PUV operators na magtutuloy tuloy na ang roll back sa langis upang makatulong daw ito sa salubong ng taong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments