𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗘𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗕𝗨𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗨𝗡𝗘𝗜, 𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡

Humingi ng tulong ang isang Bayambangueñang OFW sa Brunei sa tanggapan ng LGU Bayambang, Pangasinan dahil umano sa nararanasan nitong pang-aabuso mula sa kanyang ppinagtatrabahuan.

Sa ibinahagi nitong video sa Facebook nitong January 11, sinabi nito inabuso siya ng kaniyang amo at pinagsamantalahan pa ng driver nito.

Sinubukan umano nitong magpa-rescue sa kanyang agency subalit nabigo umano ang mga ito kaya’t hiling na ng kaniyang kaanak na mapauwi na sana siya ng Pilipinas sa maagang panahon.

Agad naman itong inaksyunan ng PESO Bayambang kung saan nakipag-ugnayan ang mga ito sa OWWA para sa agarang repatriation ng inabusong OFW.

Sa ngayon, nasa mabuting kamay na at ligtas na ang bayambanguenang OFW at pansamantala munang naninirahan sa kapatid nito sa Brunei.

Pinoproseso na rin ang mga papeles at plane ticket nito ng OWWA at hinihintay na lamang ang resulta sa imbestigasyon na isinasagawa ng Philippine Embassy sa Brunei ukol sa kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments