Nanawagan ngayon ang lokal na pamahalaan ng Bautista sa mga residente nito na makiisa sa isasagawang blood donation drive upang matugunan ang mataas na demand ng suplay ng dugo bunsod ng pagtaas ng kaso ng dengue.
Sa darating na ika-20 ng Setyembre isasagawa ang blood donation drive sa Bautista Gymnasium upang makalikom ng suplay ng dugo para sa mga dengue patients.
Binigyang diin ng lokal na pamahalaan, ang pagdodonate ng dugo ay maaring makasalba sa buhay ng iba.
Matatandaan na nauna nang inihayag ng Provincial Hospital Services Management Office na nakararanas ng kakulangan sa suplay ng dugo ang Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments