𝗕𝗘𝗗 𝗖𝗔𝗣𝗔𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟, 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡

Karagdagang 100 bed capacity ang nakatakdang mapakinabangan ng mga Pangasinense sa pagpapatayo ng tatlong palapag na gusali sa Lingayen District Hospital.

Ito ay matapos maaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan ang resolusyong inendorso ng Department of Health sa pagpapatayo sa naturang imprastraktura.

Kasama na rin dito ang makabagong kagamitan na mapapakinabangan ng mga Pangasinense na patungo sa ospital sakaling matapos ang konstruksyon.

Samantala, matatandaan na kailan lamang ay nauna nang naibigay sa mga government run hospitals ang iba’t-ibang mga medical equipment upang mas mapabuti pa ang pagtaguyod sa serbisyong pangkalusugan sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments