𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗠𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞

Binigyang diin ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth Region 1 na mayroon itong benepisyong inilaan para sa mga indibidwal na tatamaan ng sakit na dengue.

Ayon sa kagawaran, pinakamarami ngayon ang nakakuha ng claim rates ng mga biktima ng sakit na dengue kasabay ng pagtaas ng kaso ng sakit sa rehiyon.

Nasa sampung libong piso ang maaring makuhang tulong ng mga pasyenteng may dengue mayroon man o walang warning signs at 16,000 pesos naman para sa severe dengue cases.

Nilinaw rin ng Philhealth na maaari muling magamit ng naturang pasyente ang kaniyang claim rate sa parehong sakit matapos ang siyamnapung araw o tinatawag na single period of confinement, iba pa riyan sa mga karamdaman na itinuturing na exemption sa patakaran na ito.

Sa huling tala ng Department of Health – CHD 1, nasa apat na raan at siyamnapu’t-anim (3, 496) ang kabuuang bilang ng dengue cases sa rehiyon ngayong buwan. *|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments