𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗨𝗠𝗨𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡; 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗪

Iniinda ngayon ng ilang nagbebenta ng karne ng manok sa Dagupan City ang tumal ngayon ng bentahan nito simula nang pumasok ang bagong taong 2024.

Ayon kay Aling Maricel na nagbebenta sa Malimgas Public Market sa lungsod na tila na-ghost umano siya nang pumasok ang bagong taon dahil kumaunti na lang aniya ang bumibili ng karne ng manok.

Aniya, mas malakas ang naging bentahan ng noong panahon Disyembre dahil holiday season o kailangan ng mga konsyumer pangsahog.

Kwento pa niya na mas naging malakas bentahan noong nakaraang buwan dahil ginawang pamalit ng ilang konsyumer ang karne ng manok sa karne ng baboy upang iwas highblood.

Samantala, kahit na nagbago na ng taon ay hindi naman gumalaw ang ang presyuhan ng karne ng manok na nanatili pa rin sa ₱170-₱180 ang kada kilo nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments