𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗢𝗟 𝗔𝗧 𝗜𝗕𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗗𝗘𝗖𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬

76 days pa bago ang Pasko pero sa kahabaan ng Barangay Caranglaan sa lungsod ng Dagupan ramdam na ang simoy ng kapaskuhan dahil sa instant atraksyon ang bentahan ng mga nagniningning na Parol at iba pang Christmas Decorations.

Sa panayam ng iFM Dagupan Kay Christian Paul Patani, buwan pa lamang ng Setyembre nang buksan ang kanilang pwesto at magsimulang magbenta ng mga parol.

Mabenta umano ang bagong disenyo at upgraded na dekorasyon gaya ng Tala Spiral Traditional Lantern at malaking Capiz Poinsettia.

Makakabili ka rito ng mura at dekalidad na Christmas decorations sa halagang 1,500-3, 500.

Ayon sa ilang residente sa lugar, malaking tulong ito sa kanilang barangay dahil lumiliwanag ang kanilang daan at nakikilala ang kanilang barangay sa nag gagandahang gawang lokal na Parol.

Dagsa na rin umano ang mga bumibili rito na mula pa sa iba’t-ibang bayan sa probinsya ng Pangasinan.

Samantala, inaasahang mas dadagsain umano ang mga bentahan ng parol sa lugar pagkatapos ng Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments