Lumakas ang bentahan ng reflectorized vest sa lalawigan ng Pangasinan kasunod ng napipintong implementasyon ng mandatoryong pagsusuot nito sa ika-15 ng Agosto.
Ilang motorista na ang maagang namili at nagsimulang magsuot nito. Sa Isang military supply dagsa ang mamimili nito na umaabot ng 800-600 pesos. Mayroon namang mabibili na shoulder reflectorized vest na nasa 40-80 pesos.
Ang naturang ordinansa ay batay sa Provincial Ordinance No. 325-2024 o ang mandatoryong pagsusuot ng reflectorized vest o ng luminous colored na damit mula alas sais ng gabi hanggang sais ng umaga.
Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office umabot na sa 900 na motorista ang nasira ng mga ito dahil walang suot na safety vest.
Sa first offense wawarningan muna ang mga ito ngunit aabot sa 1,000 hanggang 5000 sa ikalawa at ikaapat na opensa at maaring makulong ng hindi lalampas sa isang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨