Nagpapatuloy ang isinasagawang inspeksyon Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 sa mga isdaan ng pampublikong pamilihan upang maiwasan ang pagbebenta ng mga isda na nahuhuli sa mula sa ilegal na gawain.
Sinusuri din ng kagawaran ang mga isda sa pamilihan kung ito ay ligtas na kainin ng mga konsyumer.
Ayon sa ahensya, mula sa Fish Pre-processing plant, Fish Processing Plant, Cold Storage, Auction Markets, Fishing Boats at marami pang iba ay mayroong inspeksyon na isinasagawa.
Samantala, ligtas namang kainin ang anomang klase ng shellfish sa rehiyon matapos mag negatibo sa red tide toxin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments