𝗕𝗙𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗗𝗔𝗠𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗦𝗧 𝗔𝗧 𝗚𝗥𝗔𝗦𝗦 𝗙𝗜𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Aminado ang hanay ng Bureau of Fire Protection o BFP Pangasinan na dumarami ang mga naitatalang grass at forest fire ngayon sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito mismo ang kinumpirma sa IFM Dagupan ni Pangasinan Fire Marshal, Fire Senior Superintendent Roberto Miranda.

Ayon sa opisyal kapansin pansin ang pagdami ngayon ng mga grass at forest fire na naitatala hindi lamang sa Pangasinan kundi maging sa ibang bahagi ng bansa.

Sa ngayon, bilang tugon dito ay nagsasagawa ng forest fire management sa labing limang lugar sa Pangasinan kaugnay sa mga nagaganap na forest fire.

Patuloy din ang paalala ng ahensiya kaugnay sa mainit na panahon at pagtaas ng kaso ng grass fire. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments