𝗕𝗛𝗪𝘀 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗘𝗔𝗦𝗘𝗦

Sa pinaigting na kampanya ng Department of Health-Center for Health Development 1 laban sa preventable diseases sa Ilocos Region, sumabak ang mga Barangay Health Workers sa isang pagsasanay.

Nasa higit tatlong libong BHWs ang sinamay ng Social Mobilizers mula sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) at Relief International upang maturuan sa mas pinabuting pagsasagawa ng bakuna.

Saklaw ng naturang training ang pagbibigay kaalaman ukol sa nararapat na schedule sa pagpapabakuna, at nararapat na mga hakbangin upang maiwasan ang banta ng ilang preventable diseases tulad ng tigdas, polio, pertussis, pneumonia at iba pa.

Binigyang-diin ang ahensya ang kahalagahan ng kumpleto at nararapat na mga bakuna para sa mga bata na kailangang seryosohin ng mga nakatalagang kawani sa mga barangay health centers bilang proteksyon ng mga bata.

Kasunod na rin ito ng kampanyang Chikiting Ligtas ng kagawaran na may layong mabakunahan ang lahat ng mga batang Pilipino sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments