CAUAYAN CITY – Pinagpaplanuhan na ng National Food and Authority ang paglulunsad ng P29 na kada kilo ng bigas sa merkado.
Ayon sa ahensya, tinatayang aabot sa 6.9 milyong pamilya ang makikinabang sa nasabing programa.
Gayunman, sinabi ni NFA administrator Larry Lacson, na kailangan munang dumaan sa pilot testing ang programa at sa ngayon ay prayoridad muna ay ang mga KADIWA Centers.
Paliwanag nito, ang programang “Bigas 29” ay limitado lamang sa vulnerable sector tulad ng mga benepisyaryo ng conditional cash transfer program ng gobyerno, persons with disabilities, senior citizens at solo parents.
Samantala, tiniyak naman ni Lacson na ang ibebentang lumang bigas o nasa tatlong (3) buwan nang nakaimbak ay nanatiling maganda ang kalidad at dumaan sa mahusay na pagsusuri.