Umabot na sa higit tatlumpung libong mga indibidwal sa Ilocos Region ang apektado ng patuloy na nararanasang epekto ng Habagat na pinalalakas ni Bagyong Enteng.
Ayon sa pinakahuling monitoring ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1, kabuuang 7, 971 na mga pamilya o katumbas nito ang 33, 996 katao mula sa 68 barangays sa Region 1 ang naitalang bilang ng naapektuhan.
Mula ang 5, 089 na mga pamilyang apektado sa 38 barangays sa Pangasinan, 2, 861 sa La Union at 21 na mga pamilya sa Ilocos Sur.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Region 1 Regional Disaster Risk Reduction Management Office sa mga LDRRMOs sa mga LGUs sa rehiyon upang ipagbigay-alam ang mga datos ukol sa apektadong residente ng nararanasang bagyo.
Inaasahang patuloy na mararanasan ang mga pag-uulan sa bahagi ng Pangasinan, La Union at Ilocos Sur. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨