𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟬

Umabot na sa 193 ang naitalang insidente ng sunog sa residential sa lalawigan ng Pangasinan sa unang quarter ng 2024 ayon sa Bureau of Fire Protection Region 1.

Ito ang pinakamataas na bilang na naitala sa kalakhang Region 1.

Ayon kay Fire Senior Superintendent BFP Assistant Regional Director Eddie Jucutan, ang madalas na inire-report umano sa lalawigan ay insidente ng sunog sa kabahayan.

Kasunod nito, tiniyak ni Jucutan na nakatuon ang mga ito sa pagbibigay ng kamalayan sa publiko sa kahalagahan ng fire prevention at pagsisigurong naipapatupad ang fire safety requirements sa mga establisyimento. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments