Pumalo na agad sa pitumpuβt-isa (71) ang bilang ng kaso ng suspected dengue na naitala sa lalawigan ng Pangasinan sa unang buwan pa lamang ng taong 2024, ayon sa Provincial Health Office (PHO).
Sa buwan din ng Enero noong taong 2023, nasa 88 kaso naman ang naitala sa naturang sakit, na mas mataas ang bilang kumpara ngayong taon.
Hinimok ng tanggapan ng PHO lalong lalo na ang mga magulang na ipakonsulta ang mga anak sakaling makaranas ng sintomas ng dengue upang agad itong maagapan o mabigyan ng paunang lunas.
Dagdag pa nila na iwasan at hindi kailangan ang self-medication upang hindi ito humantong sa mas malalang kondisyon na maaari pang magdulot ng pagkamatay ng biktima ng dengue.
Samantala, nakapagtala rin ang Provincial Health Office ng isa nang nasawi dahil sa dengue kaya naman puspusan ang kampanya at mas tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ang kaugnay sa nasabing isyu. |πππ’π£ππ¬π¨