Binibigyan pansin ngayon ng City Population Office ng Dagupan City ang kaugnay sa bilang ng mga naitatalang kaso ng teenage pregnancy sa lungsod sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga interventions.
Nito lamang, nagsagawa ang naturang tanggapan ng Usapang BIBA (Batang Ina, Batang Ama) programa kung saan dinaluhan nito ng nasa halos isang daang mga batang ina sa lungsod.
Ang programang ito ay aksyon ng tanggapan upang mapigilan na ang pagdagdag ng kaso ng teenage pregnancy at ang repeated pregnancies na rin ng mga batang ina.
Isa sa tinalakay sa programa ay ang mga usapin ukol sa family planning commodities, nutrition education, re-supply ng pills at condom.
Samanala, namahagi rin ang City Nutrition Office ng Enfamama milk habang nagbigay naman ng kit na may lamang alcohol wet wipes, diaper, at sabon ang City Population Office para sa mga batang ina na dumalo sa naturang programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨