Mas mataas ngayong taon ang bilang ng naitalang kaso ng mga tinamaan ng Respiratory Illness na trangkaso sa lalawigan ng Pangasinan kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa datos ng Pangasinan Provincial Health Office, nakapagtala ng 3,201 kaso ng trangkaso mula buwan ng Enero hanggang unang linggo ng Disyembre ngayong taon kumpara noong nakaraang taon na mayroong 2,300 cases lamang.
Matatandaan na kinumpirma rin ng Department of Health (DOH) na tumaas ang kaso ng influenza-like illness ngayon sa bansa maging nakapagtala ng apat na kaso ng Mycoplasma pneumonia o mas kilala bilang walking pneumonia bagama’t agarang nakapagrecover din ang mga ito.
Nasa 10% din ang naitalang pagtaas ng mga natamaan ng COVID-19 sa paglipas lamang ng isang linggo.
Alinsunod, pinaalalahanan ang mga Pangasinense at publiko sa mga maaaring gawin upang makaiwas sa dala nitong banta sa kalusugan, tulad na lamang ng pagpapalakas ng resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansya tulad ng gulay at prutas at pag-ehersisyo at pagkakaroon ng sapat ng tulog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨