𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗦𝗙-𝗔𝗙𝗙𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗔𝗥𝗘𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗕𝗥𝗜𝗟, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

Bumaba sa limang bayan sa Pangasinan mula sa pitong lugar noong Marso ang apektado ng african swine fever o ASF sa datos ng National ASF Prevention and Control nitong Abril ngayong taon.

Kinabibilangan ito ng Anda, Bolinao, Sual, Sta. Barbara at Urbiztondo habang bumaba naman ng isang category sa buffer zone o pink zoning status ang bayan ng Mangatarem at lungsod ng Alaminos.

Tinukoy naman ng tanggapan ang 21 bayan sa Pangasinan na pasok sa pink o buffer zone samantalang 21 bayan din ang nakapailalim sa yellow zone.

Mula sa pinakamataas na kategorya na red zone o infected zone nangangahulugan na may positibong kaso ng sakit sa mga alagang baboy; pink o buffer zone naman sa mga bayan at karatig na lugar na 90 days walang naitatalang kaso at; yellow zone o under surveillance ang isang bayan o lugar na 120 days na walang positibong kaso maging sa mga karatig na lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments