Pumalo na sa 578 na indibidwal o katumbas ng 166 na pamilya sa Pangasinan ang apektado ng Bagyong Kristine ayon sa tala ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.
Ang mga natukoy na indibidwal ay mula sa mga low lying areas at coastal areas ng lalawigan.
Nakastandby na ang mga heavy equipment sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan na magagamit sakaling kailanganin ng pagresponde.
Nakapreposisyon ang big/backhoe loader sa bayan ng Bugallon, Sta. Barbara, Urdaneta City, Bolinao habang may apat naman sa Lingayen.
Samantala, 110,624 na stockpiles ang nakahanda sa lalawigan sakaling kailanganin ng mga residenteng maaapektuhan ng bagyo. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments