Tumaas ang naitatalang kaso ng influenza-like illness (ILI) at food and waterborne diseases ngayong panahon ng tag-ulan ayon sa Department of Health – Center for Health Development Region 1.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay DOH-CHD1 Medical Officer IV Dr. Rheuel Bosis, nasa 12, 257 na kaso ng diarrhea ang kanilang naitala ngayong taon, mas mataas ng 14% kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Nasa 6,779 naman ang naitalang kaso ng Influenza-like illness (ILI) o 22.4% ang itinaas kung ikukumpara noong 2023.
Ang pagtaas umano ng ILI ay dahil sa pagsisimula ng tag-ulan at mas malamig na mga buwan ma dahilan ng pagkalat ng respiratory virus.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng kagawaran sa publiko ang ibayong pag-iingat sa pangangatawan upang maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha ngayong panahon ng tag-ulan.|𝗶𝗳𝗺𝗻𝗲𝘄𝘀