Tumaas ang bilang ng mga nasawi dahil sa rabies sa lalawigan, sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Pumalo sa tatlo mula sa dalawang kaso ng rabies ang naitalang namatay mula sa unang araw ng taon hanggang April 1.
Ayon kay Provincial Officer Dr. Cielo Almoite, ang mga biktima ay hindi nabakunahan ng anti-rabies.
Dahil dito, hinihikayat ngayon ng PHO ang mga Pangasinense na magpabakuna laban sa rabies. Anila, ito ay libre lamang sa mga rural health units o health centers.
Samantala, ang tumataas na kaso ng rabies sa probinsya ay isa na ring panawagan na maging responsable ang mga Pangasinense sa pag-aalaga ng mga hayop lalo na ngayong mainit ang panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments