Pumalo na sa 37 ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit na Dengue sa lalawigan ng Pangasinan, mula Enero 1 hanggang Oktubre 10 ngayong taon.
Ayon sa tala ng Center for Health Development 1, nanguna ang Pangasinan sa may pinakamaraming naitalang nasawi sa buong Ilocos Region at kaso na umabot na sa 4, 382.
Ayon kay CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, malaking epekto sa naturang pagsipa ng kaso ang mga nararanasang pag-uulan na nagdudulot ng pagbaha sa probinsya.
Aniya, madalas na magkaroon ng stagnant water ang ilang bahagi sa paligid ng kabahayan na siyang pinamumugaran ng lamok.
Dahil dito, patuloy ang paalala ng health authorities sa mga residente ukol sa pag-iingat laban sa sakit at isagawa ang 4s kontra sa dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments