Tumaas ang bilang ng mga Pangasinense na nabigyan ng trabaho mula Hulyo 2022 hanggang Oktubre ngayong taon.
Sa tala ng Public Employment Service Office (PESO) Pangasinan, kabuuang 14,290 na job seekers ang natanggap sa trabaho sa parehong local at overseas employment. Sa naturang bilang, 1,363 ang natanggap sa local employment at 253 indibidwal naman sa overseas employment ang naitala noong 2022 at bahagyang tumaas sa 3,340 indibidwal noong 2023 kung saan 75 dito ay naipadala overseas.
Ngayong 2024, nakapagtala ang tanggapan ng 9,315 na indibidwal ang nagkaroon ng trabaho sa lalawigan at iba pang karatig lugar habang 17 naman ang nagkatrabaho sa ibang bansa. Kaugnay nito, patuloy na nagsasagawa ng job fair ang tanggapan upang magpatuloy ang oportunidad sa mga Pangasinense na naghahanap ng trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨