Sunday, February 15, 2026

𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗖𝗥𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Cauayan City – Mas tumaas ang bilang ng mga naitalang road accidents sa lalawigan ng Isabela ngayong taon kung ikukumpara noong taong 2025.

Ayon kay Police Captain Scarlette Topinio, Public Information Officer ng Isabela Police Provincial Office, sinabi nito na simula noong buwan ng Pebrero hanggang ika-12 ng Pebrero ngayong 2026, nakapagtala ng 113 na bilang ng aksidente sa lalawigan, mas mataas kung ikukumpara sa 76 na bilang ng aksidente noong buwan ng Enero hanggang ika-12 ng Pebrero noong 2025.

Sinabi nito na karamihan sa mga sangkot sa aksidente ay mga single motorcycle, habang ang ilan rin sa mga nasasangkot ay mga motorized vehicle, agricultural vehicles, at mayroon ding mga e-bikes.

Lumalabas rin sa kanilang data na kadalasang nagaganap ang mga aksidente sa mga National Highway sa lalawigan. Gayunpaman, sinabi ni PCAPT Topinio na wala pa ring pinipiling lugar ang aksidente dahil maging sa mga provincial and barangay roads ay mayroon pa ring naaaksidente.

Samantala, sinabi naman ni Police Major Renoli Bagayao, Provincial Officer ng Highway Patrol Group Isabela na base sa kanilang monitoring, kadalasang dahilan ng vehicular accidents sa lalawigan ay ang overspeeding, drunk driving, at reckless driving.

Ayon rin sa ulat, mula sa nabanggit na bilang ng aksidenta sa lalawigan, 18 indibidwal na sangkot rito ang sa kasamaang palad ay binawian ng buhay.

Samantala, bilang hakbang sa pagpapanatili ng kaligtasan sa kalsada, patuloy ang ginagawang pagbabantay ng PNP-HPG at ng iba pang unit ng kapulisan sa mga kalsada maging ang kanilang road safety awareness campaign.

Paalala ng kapulisan sa lahat ng mga nagmamaneho ng sasakyan at gumagamit ng kalsada, palaging dalhin ang kanilang disiplina sa sarili, maging responsible sa pagmamaneho, at sumunod sa batas trapiko upang maiwasan na masangkot sa aksidente at ligtas na makarating sa kanilang mga pupuntahan.

SOURCE. ISABELA PIO

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments