𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗖𝗔𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dra. Anna Ma. Teresa De Guzman, nakapagtala na ng 1,111 na dengue cases ang lalawigan mula Enero hanggang ika-22 ng Hulyo ngayong taon.

Walo sa mga kaso ang nasawi. Mataas umano ito kumpara sa 926 na kaso at limang nasawi noong nakaraang taon sa parehas na panahon.

Pitong munisipalidad at isang lungsod ang nasa watchlist ng PHO na kinabibilangan ng Lingayen, Bugallon, Urbiztondo, Binmaley,Mangatarem, Labrador, Calasiao at San Carlos City.

Lima ang nasawi sa sakit sa bayan ng Lingayen at tig-isa sa bayan ng Sual, binmaley at San Carlos City.

Namahagi na ang PHO ng insecticides sa pagsasagawa ng fogging and misting sa mga apektadong lugar. Paalala ng Opisyal paigtingin ang pagsasagawa ng 4s upang maiwasan ang sakit na dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments