𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗥𝗢 𝟯 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗗𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦!

CAUAYAN CITY- Isinagawa ang pagsasaayos sa mga daluyan ng tubig sa Bayan ng Angadanan partikular sa Brgy. Centro 3 matapos ang naranasang pag-ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng nasabing lugar.

Ayon sa inilabas na impormasyon ni Municipal Mayor Joelle Mathea Panganiban, matapos matanggap ng kanilang opisina ang report hinggil sa nangyaring pagbaha ay kaagad na binisita ng kanilang hanay ang nasabing lugar.

Base sa pagtaya na isinasagawa ng Engineering Office, ang mga bahay na naapektuhan ay catchment o mas mababa pa sa mismong daan.


Dahil dito, napagpulungan ng kanilang hanay ang pagpapalaki at paglilinis ng opening papunta sa box culvert na dinaluyan ng tubig patungo sa mga apektadong bahay.

Facebook Comments