Natagpuang nakabigti sa Comfort Room ng bahay ng kanyang kaibigan ang isang bente otso anyos na binata sa Dagupan City.
Ang biktima ay nakitang nakabigti gamit ang isang hose pasado alas tres ng Hapon sa bahagi ng Bonuan Binloc.
Sinasabing nakiki tuloy lang doon ang biktima na tubong Mapandan at ilang beses din umano nito sinasabi na magpapakamatay ito dahil sa mga personal na problema.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad at ng City Health Office, wala namang nakitang foul play sa pagkamatay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments